-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Sentro nang atraksiyon na sa ngayon ang P10 milyong halaga ng tulay na itinayo sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao, ang lugar kun saan nangyari ang madugong sagupaan na ikinamatay ng Special Action Force o SAF 44.

Ito ay matapos na ginunita kahapon ang ika-8 taong ano anibersaryo ng malungkot na pangyayari sa kasaysayan ng bansa lalo na at elite force ng PNP ang mga nasawi na target lamang ma-neutralize ang bomb expert at international terrorist na si Marwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Col. Orly Pangcog, commander ng 6thID Phil. Army, ang tulay sa Brgy Tukanalipao sa bayan ng Mamasapano ay kahoy pa noon ngunit pinalitan na ng steel foot bridge at ngayon auy sementado na kung saan tinagurian na itong “tulay ng kapayapaan.”

Bago ito ang lugar ang naging sentro ng madugong sagupaan noong Enero 25, 2015 na ikinasawi ng 44 na mga SAF troopers.

Malaking tulong sa taongbayan ang tulay dahil hindi na nahihirapan ang mga residente na dumaan dito lalo na sa pagbiyahe sa kanilang mga produkto mula sa kanilang sakahan patungo sa sentro ng bayan at sa lungsod ng Cotabato.

Todo pasalamat naman ang mga opisyal at residente ng Brgy Tukanalipao sa proyektong tulay ng ARMM government.

Bago ito, isang paaralan at mosque din ang itinayo sa lugar kung saan ang pondo ay nagmula sa ARMM Helps.

Ngunit sa kabila ng lahat, di pa rin malilimutan ang pagkamatay ng SAF 44 na itinuturing na bayani ng bansa.

Dagdag pa ni Pangcog, nagsisilbing alaala ng kabayanihan ang iniwan ng SAF troopers kaya’t mananatili na umano ang pagbabatay sa paligid. Mas pinaigting na rin ang koordinasyon sa pagitan ng PNP at AFP upang labanan ang terorismo sa Mindanao.