-- Advertisements --

Pinasinayaan ng Philippine Embassy sa London ang pagbubukas ng Sentro Rizal kung saan layunin nitong itaguyod ang sining, kultura at lenggwahe ng Pilipinas lalo na sa mga kabataan na nasa ibang bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United Kingdom Antonio Lagdameo, inaasahan nila na sa tulong ng Sentro Rizal ay magbibigay inspirasyon ito sa henerasyon ng mga Filipino Britons at Filipino Irish na muling silang ikonekta sa kanilang pinanggalingan.

Dagdag pa nito na nais din nilang ipalaganap sa United Kingdom at Ireland ang kwento ng kultura ng Pilipinas.

Itinatag kasabay ang Republic Act 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009, tampok sa Sentro Rizal ang isang Filipiniana library at exhibition hall.

Inaanyayahan naman ni National Commission for Culture and Arts chairman Virgilio Almario ang mga Pilipino na gamitin ang nasabing lugar upang ipagdiwang ang ganda ng Philippine culture.

Inilunsad and Sentro Rizal London kasabay ang ika-131 anibersaryo ng pagdating ni Jose Rizal sa United Kingdom.