-- Advertisements --
Humingi nang paumanhin ang Football Club ng Seoul South Korea dahil sa paglalagay nila ng mga sex doll sa mga bleachers na nagsisilbing mga audience.
Mula kasi nang binuksan ang mga sporting events sa nasabing bansa ay pinagbawalan na manood ang mga audience para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.
Unang itinanngi ng Football Club na mga sex doll ang mga ito at sinabing mga premiro klase na mga mannequins.
Subalit napansin ng ilang mga kritiko na may hawak na karatula ang mga ito ng advertisement ng mga adult websites.
Umaabot sa 28 mga babaeng mannequins at dalawang lalaking mannequins ang ipinakalat sa nasabing bleachers na nagsilbing mga audience.