Idineklara ng Seoul, South Korea ang national disaster matapos ang malawak na forest fire.
Umabot sa 900 na mga bumbero ang nagtulong-tulong para tuluyang maapula ang nasabing sunog.
Nagsimula ang sunog sa bayan ng Goseong na may layong 45 kilometro sa border nila ng North Korea.
Dahil sa malakas na hangin ay mabilis na natupok ang may 400 bahay at mahigit 500 hektaryang lupain.
Umabot rin sa mahigit 4,000 katao ang inilikas dahil sa insidente.
Nagpadala na rin ang military ng 32 helicopters kabilang ang 16,500 na sundalo para tumulong sa pag-apula ng apoy.
Tiniyak naman ni South Korean President Moon Jae-in na gumagawa na sila ng paraan para tuluyang maapula ang sunog.
Huling nagdeklara ang bansa ng national disaster noong 2007 kung saan tumagas ang crude oil carrier sa karagatan ng bansa.