-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Handa na ang sepak takraw national team sa kanilang laro ngayong araw Miyerkules, Mayo a-10 kaugnay sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian o SEA Games.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni team captain Jason Huerte na positibo siyang makakakuha sila ng gold medal lalo na sa hoop event kungsaan sila nagkampyon noong 2019 SEA Games sabay sabing kampante siyang makakakuha sila ng dalawa hanggang tatlong gold medals sa sepak takraw.

Dagdag pa ni Huerte, karamihan sa mga national athletes sa nasabing event ay kasali sa huling SEA Games bago tumama ang COVID-19 pandemic.