-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patuloy umanong pinaasa ni Reyna Apolinario ng Kabus Padatuon ang mga empleyado nito sa kaniyang gasolinahan dahil hindi niya ito nabayaran ng kanilang separation pay.

Ito ang reklamo ng isang alias Rey na sinabi umano na hihinto na ang operasyon ng dalawang gasoline station dahil na banckrupt na umano.

Inireklamo din nito na hindi sila maka-avail ng loan sa SSS dahil putol-putol ang kanilang remittances.

Sinabi rin nito na hindi raw inaprubahan ng LGU GenSan ang application ni Apolinario na banckruptcy.

Dagdag pa nito, hindi tutuo na ipinagbili na ang dalawang gasoline station dahil pagmamay-ari pa rin ni Reyna dahil pinatatakbo ito ng isang Rowena Ocamas na residente ng Camiguin na pinsang buo naman ng una.

Una nang sinabi ni Geraldine Zamorra ng business, permit ang licensing division na hindi pinabili ng mga Apolinario ang kanilang mga negosyo dahil kanila pa rin itong pagmay-ari.