-- Advertisements --
Serbs Basketball
Serbia Basketball / Twitter image

Minaliit ng Serbia na sila ang paboritong magkampeon sa FIBA World Cup sa China.

Ayon kay Serbian coach Sasha Djordjevic na balewala ang rankings at predictions kung hindi sila gagalaw.

Sinabi nito na nakatuon sila sa laro at hinahayaan lamang nila ang mga pahayag ng mga basketball analyst na sila ang heavy favorites.

Tinitiyak nila na pagbubutihan nila ang paglalaro sa torneo.

Mayroong apat na NBA players kasi ang Serbia na pinangunugnahan ni All-Star Center Nikola Jokic ng Denver Nuggets.