-- Advertisements --

Umabot sa overtime bago tuluyang talunin ng Serbia 95-90 ang Australia sa quarterfinals ng Paris Olympics basketball tournament.

Naging malaking hamon ang laro sa panig ng Serbia dahil umabot pa ng 24 points ang naging kalamangan ng Australia.

Hawak pa ng Australia ang kalamangan sa overtime period 90-89 ng maipasok ni Nikola Jokic ang kaniyang three points at nakuha ang 93-90 na kalamangan.

Sinelyuhan ni Bogdan Bogdanovic ang laban ng maipasok ang huling dalawang free throw nito.

Nanguna sa panalo si Jokic na nagtala ng 21 points at 14 rebounds habang si Bognadovic ay mayroong 17 points.

Hinihintay na lamang ng Serbia ang sinumang manalo sa pagitan ng US at Brazil para sa semifinals.