-- Advertisements --
Serbia
Serbia Basketball/ FIBA image

Pasok na sa second round ang powerhouse team na Serbia matapos talunin ang Italy, 92-77 sa Group D ng FIBA Basketball World Cup na ginanap sa Foshan International Sports and Cultural Arena sa China.

Nakuha ng Serbia ang malinis na 3-0 nang talunin ang Italy, Angola at Pilipinas.

Bumida sa panalo ng Serbia si Sacramento Kings guard Bogdan Bogdanovic na nagtala ng 31 points, limang assists, apat na rebounds at limang steals.

Nahabol ng Italy ang laro maging ang 10 points na kalamangan ng Serbia sa third quarter, 55-53.

Subalit sa pagpasok ng last quarter ay gumana na ang shooting experience ng ranked number 4 na Serbia na merong mas maraming NBA players kasama na ang All-Star na si Nikola Jokic.