-- Advertisements --
Naka-abanse na sa semifinals ng 2023 FIBA Basketball World Cup ang Serbia.
Ito ay matapos na talunin nila ang Lithuania 87-68 sa quarterfinals na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Nanguna sa panalo ng Serbia si Bogdan Bogdanovic na nagtala ng 21 points habang mayroong 17 points si Filip Petrusev at 11 points naman ang naitala ni Stefan Jovic.
Sa simula ng laro ay hawak ng Lithuania ang kalamangan hanggang pagpasok ng ikalawang quarter ng umarangkada ang Serbia.
Susunod na makakaharap ng Serbia ang sinumang manalo sa pagitan ng Canada o Slovenia sa semifinals round sa Biyernes.