-- Advertisements --

Bigong manalo ang Serbia at koponan ni Nikola Jokic, ang two-time NBA MVP sa game sa Eurobasket matapos masilat sila ng bansang Italy sa score na 94-86.

Nagpakitang gilas ang mga players ng Italy na sina Marco Spissu nang magbuhos ng 22 points habang 21 points naman si Nicolo Melli.

Nakapagdagdag din ng 19 puntos si Simone Fontecchio at 16 naman kay Achille Polonara.

Una rito, nasayang ang 32 points ng Serbian superstar na si Jokic at 13 rebounds upang isalba sana ang koponan ngunit hindi pa rin naging sapat para magwagi sa naturang laro.

Magpapasiklaban naman ang Italy at France sa quarterfinal game sa darating ng Miyerkules. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)