-- Advertisements --
Pursigido si Serbian President Aleksandar Vucic na makamit ang pangarap nitong maging basketball player.
Ito ay matapos na nag-enroll ito sa sports college para makamit ang pangarap nito mula pa noong bata pa.
Sinabi nito na mula pa noon ay pangarap na nitong maging basketball player at coach na rin sa mga bata.
Nagpost ang 50-anyos ng larawan ng student ID book mula sa Belgrade-based college of sports and health.
Taong 2014 ng maging prime minister ito at naupo bilang pangulo noong 2017.