-- Advertisements --
image 22

Emosyonal ang naramdaman ng legend na si Novak Djokovic matapos maabot ang kanyang ikaapat na final ngayong 2022 sa pamamagitan ng straight- sets na panalo laban kay Roman Safiullin sa Tel Aviv semi- finals.

Ang 35 years old na si Djokovic ay nagwagi sa 6-1, 7-6 (7/3) at hahanapin na makuha ang kanyang ikatlong titulo ng season at ika-89 ng kanyang karera ngayong linggo.

Tinalo ng dating US Open champion na si Cilic ang 68th-ranked na si Constant Lestienne ng France 7-5, 6-3 sa kanyang semi-final na nahabol sa 2-5 sa first set.

Ayon pa rito tension at agresibo umano siya habang naglalaro , at binigay niya ang kanyang big serves para makapuntos.

Dagdag pa niya, kailangan niya mas maging malakas pa para mas lalong tumaas ang antas ng kaniyang posisyon sa game. (report from Bombo Chill Emprido)