-- Advertisements --

Nakapagtala ng kasaysayan si tennis star Novak Djokovic.

Siya kasi ang pang-limang tennis player na mayroon ng 1,000 panalo sa mga tennis tournaments.

Nakuha niya ang nasabing record ng talunin si Casper Ruud 6-4, 6-3 sa Italian Open semifinals.

Kasama na niya sa listahan sina Roger Federer, Rafael Nadal, Jimmy Connors at Ivan Lendi.

Naabot ni Djokovic ang 1,000 na panalo sa kabuuang 1,203 na laban nito.

Itinuturing na siya ang pang-apat na mabilis na naabot ang nasabing record.

Pinasalamatan ng 34-anyos na Serbian tennis players ang mga torneo at mga fans dahil sa patuloy na pagsuporta nila ito sa kaniya.