-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Abot sa mahigit isang libong residente ng Barangay Bannawag Kabacan Cotabato ang naabutan ng serbisyo caravan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr.

Ayon kay Brgy. Bannawag Brgy Captain Ceasar Saplaan sa pagrerehabilitate pa lang ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa Provincial Road ng Barangay, buong kumunidad at kalapit barangay ang makikinabang.

Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa suporta ng Liga ng mga Barangay sa pangunguna ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman. Aniya, buong BLGUs ng bayan ng Kabacan ang nakiisa at sinaksihan ang aktibidad.

Ilan sa mga serbisyong ipinagkaloob ng LGU ay feeding program, libreng tsinelas para sa Kinder hanggang Grade 6 students, mga gamit na printer at alcohol para sa paaralan, libreng birth certificate registration para sa edad lima pababa, road rehabilitation, covid-19 vaccination, medical check-up at libreng gamot, vitamin supplementation para sa mga buntis at lactating moms, ant-rabbies vaccination at zinc phosphide distribution, operation tuli, libreng gupit-kulay-at pedicure manicure, Senior Citizen Allowance Distribution, Tricycle Renewal, Solo Parent PWD at Senior Citizen Registration, DOLE-TUPAD Registration, OWWA-OFW Concern, Real Property Taxation, BFP Fire Response, Disaster Preparedness training, wheelchair at tungkod,

Samantala, dumalo din sa aktibidad sina VM Myra Dulay Bade, Cons. Leah Saldivar, Cons. Joel Martin, Cons. Datuan Macalipat, Cons. Raymundo Gracia, George Manuel, Manny Pedtamanan, BM Jonathan Tabara, BM Ivy Dalumpines, at BM Joemar Cerebo, at si Samantha Taliño Santos.