-- Advertisements --
image 87

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority na balik normal na ang serbisyo ng Pasig River Ferry ngayong araw.

Sa inilabas na abiso ng naturang ahensya, sinimulan kaninang alas 7 ng umaga ang unang biyahe ng Pasig River Ferry.

Sinabi rin ng MMDA, binuksan na nito ang lahat ng 13 stations ng ferry service.

Kabilang na rito ang mga istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa lungsod ng Pasig.

Habang kasama rin ang mga istasyon sa Guadalupe at Valenzuela sa Makati City, at Hulo station sa Mandaluyong.

Nagbibigay serbisyo na rin ang istasyon ng Lambingan, Sta Ana, PUP, Lawton, Escotta, at Quinta, sa Maynila.