-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Masususpinde ang serbisyo ng Out Patient Department (OPD) ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) mula bukas, April 4.

Batay sa advisory ng pagamutan, isa itong paraan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa Baguio City at sa iba pang lugar.

Ayon sa BGHMC, “indefinite” ang nasabing suspension na nangangahulugang walang eksaktong petsa kung kailan muling bubuksan ang serbisyo ng OPD ng pagamutan.

Gayunpaman, tatanggapin pa rin ng pagamutan ang mga emergency cases sa OPD Building Phase 2 sa 3rd Floor, Road Level ng BGHMC.

Isa ang BGHMC sa walong health facilty sa bansa na maaaring magsawa ng testing para sa COVID-19.