CENTRAL MINDANAO-Upang makamit ang isang mapayapa, maunlad at maayos na komunidad sa lalawigan ng Cotabato nakatakdang ilunsad sa susunod na taon ang Serbisyong Totoo Moral Recovery Program o STMRP.
Ang nasabing programa ay pinagtibay ng Executive Order No. 49 Series of 2022, “An Order Institutionalizing the Serbisyong Totoo Moral Recovery Program in the Province of Cotabato na nilagdaan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza noong buwan ng Agosto.
Magiging sentro ng programa ang pagpapalakas ng moral at ispiritwal na aspeto ng isa g indibidwal na malaki ang papel sa paghubog ng isang mas matatag at maunlad na komunidad.
Magiging katuwang ng probinsya sa pagpapatupad ng nasabing programa ang iba’t ibang religious sectors and organizations..
Ayon kay Sangguniang Panlalawigan Committee on Gender, Family Affairs and Social Services Chairperson Board Member Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc, sa panahon ng makabagong teknolohiya nararapat lamang ang paglulunsad ng nasabing programa para na rin sa kapakanan ng bawat mamamayang Cotabateño.
Sa kanyang mensahe sa isinagawang STMRP Municipal Team Orientation na ginanap sa Provincial Capitol Pavilion, binigyang diin ni STMRP Program Coordinator Pastor Lito P. Dalisay na ang inisyung EO 49 ng gobernadora ay naka angkla sa kanyang 12-point agenda.
Dagdag pa nito, na ang nasabing programa ay magiging daan rin upang magkaroon ng isang service oriented, responsive, transparent and corrupt free government at professional, committed, competent, disciplined and trustworthy community servants.
Dumalo din sa STMRP Team orientation nitong Miyerkules, Nobyembre 9, sina Board Member Sittie Elijorie C. Antao, PCL Provincial President Rene Rubino, Health Consultant Dr. Rodrigo Escudero, STMRP Academe in charge James Molina, Evangelical Representative Pastor Allan Cabatbat, Muslim Representative Datu Edris Gandalibo at iba pang religious leaders.(