CENTRAL MINDANAO-Bilang paghahanda sa implementasyon ng Serbisyong Totoo Moral Recovery Program, isang workshop ang isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa Provincial Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.
Matatandaang nilagdaan ni Governor Mendoza ang Executive Order No. 49 series of 2022, ” An Order Institutionalizing the Serbisyong Totoo Moral Recovery Program in the Province of Cotabato” kung saan layunin ng programang ito ang maibalik ang tiwala ng tao sa pamahalaan dahil sa malinis, maayos, tapat at responsableng pamamahala.
Magiging katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapatupad ng nasabing programa ang ibat-ibang religious sector at organizations na nag mula sa probinsya ng Cotabato.
Sa mensahe ni 3rd District representative Ma. Alana Samantha Taliño Santos binigyang diin nito ang mahalagang papel na ginagampanan ng bawat sector sa pagbuo ng isang maayos na komunidad.
Ayon naman kay Board Member Ivy Dalumpines Balitoc, Committee on Gender, Family Affairs and Social Services Chairperson, na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa ay magiging posible ang inaasam na pagbabago ng bawat Cotabateño.
Naging Guest Speaker ng nasabing workshop si Rev. Fr. Gerardo T. Tacdoro, DCK, PhD. na ibinahagi ang kanyang mga karanasan na makakatulong sa nasabing programa.
Dumalo din sa STMRP workshop sina Board Member Joemar Cerebo, Pastor Gian Carlo Herrera, STMRP Coordinator Pastor Lito Dalisay, Head of Catholic Schools, Principals, Guidance Counselors, Campus Ministry and Religious Sisters at University of Southern Mindanao Catholic Campus Ministry.