CENTRAL MINDANAO-Hindi maipinta ang ngiti sa mga labi ng mga Senior Citizens sa pagdating ng programang Serbisyong Totoo Oplan Liwanag para sa mga Lolo at Lola ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa bayan ng Pigcawayan Cotabato.
Mahigit 356 na mga nakakatanda mula sa nasabing bayan ang nabigyan ng libreng konsulta at salamin sa mata sa pangunguna ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) at ni Dr. Emerlyn P. Ma., Provincial Eye Care Consultant.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lahat ng mga benepisyaro ng Oplan Liwanag kay Governor Mendoza sa patuloy na pagbibigay suporta at pagmamahal sa lahat ng nakakatanda sa probinsya.
Nakiisa din sa aktibidad sina Pigcawayan Mayor Juanito Agustin, first district Boardmember Roland Jungco at Sittie Antao-Balisi at Provincial Advisory Council member Rose Cabaya.