-- Advertisements --

Sinimulan na ngayong araw ang pagbubukas ng Pilipinas at Estados Unidos Balikatan Exercise 2025 sa Camp Emilio Aguinaldo, lungsod ng Quezon.

Kung saan nagtipon-tipon rito ang mga kasundaluhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kanilang mga opisyal kasama ang ilan pang mga dayuhang sandatahan na bahagi sa gaganaping Balikatan Exercise.

Nakiisa rin dito ang kasalukuyang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) na si Secretary Enrique A. Manalo at si United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.

Kung saan pinangunahan ni Brigadier General Daniel D. Tansip CHS (Chief Chaplain Service, Armed Forces of the Philippines) ang isang panalangin o invocation habang sinundan naman ito ng ‘Welcoming Remarks at Recommendation to Open’ nina Lt. General James F. Glynn USMC, CG, I MEF ng United States Marine Corps, at Major General Francisco F. Lorenzo JR PA, Exercise Director ng Pilipinas.

Kung saan inihayag ni Lieutenant General Glynn ang kahalagahan hindi lamang ng gaganaping Balikatan Exercise bagkus pati ang pagkilala sa ilang dekada ng pagkakaibigan ng Estados Unidos sa bansang Pilipinas.

Ang pagsisimula ng Balikatan Exercise sa pagitan at pangunguna ng Pilipinas at Estados Unidos ay ang siyang pang-40 beses na mula ng mag-umpisa higit dalawang dekada ang nakalilipas.

Kung saan nakatakdang isagawa at gaganapin ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa bahagi ng Northern Luzon Command, Western Command at Southern Luzon Command Joint Operational Area.

Kaya naman sa pangunguna ni General Romeo S. Brawner JR PA, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines, idineklara ngayong araw, ika-21 ng Abril sa kasalukuyang taon ang pormal at simbolikong pagsisimula ng Pilipinas – Estados Unidos Exercise Balikatan 40-2025