-- Advertisements --

Bumagsak ang rankings ni US tennis star Serena Wiliams sa WTA rankings.

Base sa inilabas na WTA rankings ay nasa pang-59 na puwesto ang 40-anyos na si Williams.

Iot ang unang pagkakataon mula noong 2006 na hindi nakasama sa top 50 ang US tennis star.

Nasa unang puwesto si Ashleigh Barty habang nag-improve naman ang ranking ni Paula Badosa na nasa pang-anim na puwesto mula sa dating pang-67 noong nakaraang taon.

Noong 2021 ay anim na torneo lamang kasi ang nilaro ni Williams matapos ang maagang pagtigil nito sa Wimbledon dahil sa leg injury.