-- Advertisements --

Lubos ang paghanga ni US tennis star Serena Williams sa ipinaktiang tapang ni Meghan Markle.

Ito ay matapos na ibunyag ng Duchess of Sussex ang hindi magandang nangyayari sa Royal Family.

Sinabi ni Williams na ang sexism at racism na inilalabas na negatibo sa media ay siyang naghihiwalay sa tao.

Obligasyon aniya natin na huwag hayaan na mamuno ang negatibong kaugalihan na naghahati sa mga tao.

Naging kaibigan ni Williams sai Markle ng magkakilala ang mga ito sa isang Super Bowl Party noong nakaraang mga taon.

Magugunitng sa panayam ni Oprah Winfrey ay ibinunyag ni Meghan na hindi binibigyang pagkilala ang anak nila ni Prince Harry dahil sa kakaibang kulay aniya nito.