-- Advertisements --

Nagpahiwatig si US tennis star Serena Williams sa paglalaro sa Wimbledon.

Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng tila postcode district ng Southwest London na kinokonekta sa Wimbledon.

May larawan din itong nakatayo sa grass court habang nakasuot ng pang-tennis.

Noong nakaraang taon kasi ay nagreitre ito sa first-round match ng Wimbledon dahil sa injury.

Noong 2019 ay umabot naman sa Finals ng Wimbledon ang 23-time major champion subalit natalo siya kay Simona Halep.

Nauna na ring sinabi nito na target niyang makamit ang 30 grand slam singles title bago ito magretiro sa paglalaro.