-- Advertisements --
Nagtala ng record si American tennis star Serena Williams sa panalo nito sa unang round ng US Open.
Matapos kasi na magwagi ito laban kay Kristie Ahn ng US ay naitala nito ang ika-102 panalo sa US Open.
Dahil dito ay nahigitan ng 38-anyos na si Williams si Chris Evert.
Itinuturing kasi si Evert na all-time leader sa dami ng panalo sa US Open.
Sinabi nito Williams na hindi muna nito pinapansin ang pagkakuha niya ng record dahil nakatuon ngayon ang atensiyon niya na makuha ang kampeonato sa nasabing torneo.
Dahil sa panalo ay susunod na makakaharap nito si Margarita Gasparyan ng Russia para sa second round ng US Open.