-- Advertisements --
Serena Williams
Serena Williams/ IG post

Nanguna si US Tennis superstar Serena Williams sa listahan ng Forbes magazine bilang highest paid women in sports.

Ito na ang pang-apat na magkakasunod na taon na nakuha ni Wiliams ang puwesto.

Umaabot sa $29.2 million ang kabuuang kita nito sa loob ng isang taon.

Pumangalawa naman sa puwesto si Naomi Osaka ng Japan na mayroong kabuuang kita ng $24.3 million habang pumangatlo si dating Wimbledon champion Angelique Kerber na mayroong kita na aabot sa $11.8 million.

Isinasama ng Forbes ang prize money, salaries, bonuses, endorsements at apperance fees ng mga manlalaro para maitala sa listahan mula Hunyo 1, 2018 hanggang Hunyo 1, 2019.

Tanging si US football player Alex Morgan ang napasama sa pang-12 na listahan na galing sa ibang sports na mayroong $5.8 million na kita na karamihan ay mula sa kaniyang endoresments.

Habang kabilang din sina badminton star PV Sindhu at Thailand golfer Ariya Jutanugarn ang kasama sa top 15.