-- Advertisements --
Pasok na sa second round ng French Open si US tennis star Serena Williams.
Ito ay matapos talunin niya ang kapwa American tennis player na si Krtistie Ahn sa score na 7-6(2), 6-0.
Kapwa rin nagharap ang dalawa sa US Open noong nakaraang mga linggo kung saan nagwagi si Williams.
Inamin nito na nahirapan siya ng bahagya dahil nagkaroon pa ng tie breaker sa unang set.
Susunod naman na makakaharap ng 39-anyos na si Williams si Tsvetana Pironkova.