-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals round ng Australian Open si Serena Williams matapos talunin si Simona Halep.

Nakuha ng 39-anyos na US tennis ang score na 6-3, 6-3 para tuluyang talunin ang second seed na tennis star mula sa Romania.

Itinuturing ni Williams na isa itong pinakamahirap na laban na kaniyang naranasan sa nasabing torneo.

Susunod na makakaharap ni Williams sa semifinals ay si Naomi Osaka.
Tinalo kasi ni Osaka si Hsieh Su-wei sa loob ng 66 minuto.

Unang nagharap sina Williams at Osaka noong 2018 US Open ng magwagi ang Japanese tennis star.