-- Advertisements --
Umatras na sa paglalaro sa French Open si US tennis star Serena Williams dahil sa Achilles injury.
Sinabi ng 23-time Grand Slam champion, na nagkaroon lamang ito ng konting warm up at nadama na ito ng hindi maganda.
Nakatakda sana nitong makaharap si Tsvetana Pironkova sa second round ng nasabing torneo.
Dagdag pa nito na baka abutin pa ng hanggang anim na linggo bago tuluyang gumaling.
Maging ang kaniyang ankle ay hindi pa gumaling matapos ang US Open.