-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng panghabambuhay ang German serial killer na nurse dahil sa pagpatay sa 85 na pasyenteng nasa pangangalaga nito.
Ang 42-anyos na si Niels Hoegel ay pinatawan ng life sentence ng District Court sa Oldenburg.
Itinuturing si Hoegel bilang Germany’s deadliest post-war serial killer.
Inamin ng suspek na umabot sa 100 na pasyente ang kaniyang napatay na may edad 34 hanggan 96 sa dalawang ospital mula 2000 hanggang 2005.
Sa nasabing bilang ay nabasura ang 15 kaso nito dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Humingi naman ng kapatawaran si Hoegel sa mga pamilya ng biktima at sinabing handa nitong harapin ang kaparusahang ipinataw.