-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nailigtas ang isang crested serpent eagle ng mga magsasaka kamakailan sa Barangay Payong-Payong, Pigcawayan, Cotabato.

Bagaman kabilang sa ‘least concerned’ ang conservation status nito ay pinangangambahan pa din itong maging endangered kung patuloy na bababa ang kanilang populasyon.

Ayon kay Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO-Pigcawayan Head Joaquin Tacula, ang naturang agila ay namataan ng mga magsasaka sa kanilang sakahan na nanghihina at gutom.

Nakita din nila ito na tila bali ang pakpak kung kaya’t kanila itong hinuli at ipinagbigay-alam sa MENRO.

Kahapon ay itinurn-over na ng MENRO-Pigcawayan ang crested serpent eagle sa Community Environment and Natural Resources Office o CENRO sa Midsayap, Cotabato upang mapagaling ito at maibbalik sa natural nitong tahanan.

Nabatid na ang bayan ng Pigcawayan ay isa sa mga maraming bayan sa North Cotabato na paboritong tirahan ng mga extinct na hayop dahil sa maganda nitong ecosystem.

Ilan lamang sa mga ito ay Tarsier at Pinkser’s Hawk Eagle.