Binago ng Department of Labor and Employment ang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11360, o ang “Service Charge Law,” para gawin itong inclusive sa pamamagitan ng pagtanggal ng direct employment clause.
Ang binagong IRR, Department Order (DO) 242, series of 2024, ay nagpabuti ng pamamahagi ng mga serbisyo upang masakop ang lahat ng rank-and-file na empleyado ng mga establisyimento — gaya ng mga hotel at restaurantl.
Ito ay upang isama ang kontraktwal, hindi regular o ahensyang manggagawa.
Sa ilalim ng bagong IRR, ang mga sakop na mangggagawa ay tumutukoy sa lahat ng empleyado, maliban sa mga managerial employees gaya ng tinukoy dito, anuman ang kanilang posisyon, pagtatalaga, o katayuan sa trabaho, at anuman ang paraan kung paano binabayaran ang kanilang mga sahod.
Tinukoy ng bagong rules ang hindi pagbabawas ng mga benepisyo, na nangangahulugan na ang mga bagong tuntunin sa pamamahagi ng service fee ay hindi dapat bawasan ang mga kasalukuyang benepisyo ng mga sakop na empleyado.
Itinakda ng RA 11360 na ang lahat ng service fee na kinokolekta ng mga hotel, restaurant at iba pang katulad na mga establisyimento ay ipamahagi nang buo sa lahat ng sakop na empleyado.
Sa ilalim ng mga alituntunin, ang pamamahagi ng service fee ay magiging proporsiyon sa bilang ng mga oras o araw ng trabaho o mga serbisyong ibinigay ng empleyado.