NAGA CITY- Patay ang isang service crew matapos malunod sa Infanta, Quezon.
Kinilala ang biktima na si alyas Melchor, 23-anyos, residente ng Barangay Pag-asa, Caloocan, City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provinvincial Office, napag-alaman na nagpunta ang biktima kasama ang kanyang mga pinsan sa isang ilog upang maligo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na nagpunta ang biktima kasama ang ibang mga pinsan sa malalim na bahagi ng nasabing ilog.
Kaugnay nito, makalipas ang ilang minuto mayroon ng nakitang palutang-lutang na katawan ng isang indibidwal at kinilala ito na si alyas Melchor.
Samantala, kaagad naman na dinala ang biktima sa ospital para sa asistensiya medikal pero idineklara rin itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa naturang insidente.