-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Nilinaw ng opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) sa Negros Occidental na walang election paraphernalia ang nasira mula sa sasakyang nagkarga nito na naaksidente sa bayan ng Cauayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi Atty. Salud Villanueva, provincial election supervisor, na sanhi ng basang kalsada ang aksidente dahil sa malakas na ulan sa naturang bayan.
Batay sa ulat, bumaligtad ang closed van sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan habang ibinabiyahe ito.
Kabilang sa mga bitbit ng service van ang mga gamit para sa halalan gaya ng vote counting machines ng Hinobaan at Sipalay City.
Kaagad naman daw nagpadala ng tulong ang CONMELEC provincial office para maihatid ang mga paraphernalia sa destinasyon nito.