-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Umaapela ang lokal na pamahalaan ng Tuba, Benguet na huwag na sanang gawing tapunan ng mga bangkay ang mga national road na sakop ng munisipyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Tuba Mayor Clarita Sal-ongan, sinabi niya na nahihirapan ang mga rescuers o ang mga otoridad na mag-retrieve sa mga bangkay na nakukuha nila sa mga malalim na bangin sa kalsada.

Ayon pa sa kanya, tila nagiging normal na sa mga gumagawa ng naturang aktibidad ang basta na lamang itapon ang mga bangkay sa kanilang nasasakupan.

Dahil dito, muling umapela ang ina ng Tuba, Benguet na huwag nang gawing tapunan ang kanilang lugar.

Una rito, apat na ang narekober ng mga otoridad sa Tuba, Benguet mula pa noong Enero ngayon taon kung saan tatlo ang natagpuan sa Kennon, Road at isa naman sa San Pascual, Tuba, Benguet.

Unang natagpuan ang labi ng isang babar noong Pebrero 1 kung saan nakilala na ito at nalamang may alzheimer’s disease ang biktima na siyang dahilan ng kanyang ikinamatay.

Sunod-sunod namang natagpuan ang tatlong iba pang bangkay ng babae noong Pebrero 10 na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala.

Ang bankay ng isang lalaki noong Pebrero 11 na nakumpirmang drug user at may patong-patong na kaso sa Baguio City at isa ring bangkay ng isang lalaki na natagpuan noon namang Pebrero 12.