Natuldukan na rin ang pamamayagpag ng four-man boxing team ng Pilipinas sa Tokyo Olympics nang lumasap nang pagkatalo si flyweight Irish Magno.
Dinomina ng Thai boxer na si Jutamas Jitpong ang laban nila na ginanap sa Kokugikan Arena.
Mula sa first round ay hindi na pinaporma si Magno, 30, ng kanyang matagal ng karibal.
Sa pagtatapos ng third round sa kabuuan ibinigay ng mga judges ang 5-0 win kay Jitpong sa round-of-16.
Sa nakalipas na anim na mga laban ng Pilipinas sa boxing ito ang kanilang unang talo kaya out na rin sa kompetisyon si Magno.
Nitong araw din ay impresibong nagwagi via TKO si Eumir Marcial laban sa Algerian boxer.
Sa darating na Sabado muling aakyat ng ring sina Carlo Paalam at Nesthy Peticio na target pa ang pag-usad malapit sa podium finish.
Si Peticio ay sigurado na ang bronze medal.