GENERAL SANTOS CITY – Nagdulot ng sunod-sunod na aftershocks ang ang magnitude 5.6 na lindol na tumama sa Sarangani, Davao Occidental kagabi.
Kinalaunan ay ibinaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang lindol sa magnitude 5.0 na naitala ang sentro sa layong 096 kilometers sa timogsilangan ng nasabing lalawigan.
Nasa 73 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang intensity 3 sa Glan, Sarangani; habang intensity 2 sa General Santos City, Davao City, at Malapatan, Sarangani Province.
“Instrumental” intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 4: Malungon, Sarangani
Intensity 3: Alabel, Sarangani
Intensity 2: Kiamba, Sarangani; General Santos City; at Tupi, South Cotabato
Samantala, hindi bababa sa 10 aftershocks ang naitala hanggang kaninang alas-4:00 ng madaling araw kung saan magnitude 3.4 ang pinakamalakas.
Sa kabilang dako, yumanig sa Malita, Davao Occidental ang magnitude 4.3 na lindol dakong alas-9:56 kagabi.
Tumama ang lindol sa layong pitong kilometro sa timogsilangang bahagi ng nasabing lugar na may 174 kilometro ang lalim at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang intensity 3 sa General Santos City.
“Instrumental” intensities naman ang naitala sa:
Intensity 3: General Santos City; Malungon, Sarangani
Intensity 2: Alabel, Sarangani
Intensity 1: Tupi, South Cotabato
Wala namang napaulat na pinsala sa mga aftershocks.