KORONADAL CITY – Labis na ikinaalarma ng mga residente ang sunod-sunod na mga insidente ng pagpapakamatay sa probinsya ng South Cotabato.
Ito’y matapos naitala na naman ang panibagong insidente ng pagpapatiwakal sa bahagi ng Brgy. Esperanza sa lungsod ng Koronadal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Brgy. Esperanza kapitan Edgardo Cabardo, kinilala lamang ang biktima na si alyas Nenita, 60, residente ng Prk. Pagkakaisa, Brgy. San Isidro, Koronadal City.
Ayon kay Cabardo, wala sa kanilang bahay ang asawa at anak nito at dito isinagawa ng lola ang pagpapatiwakal gamit ang pagtali ng tie box sa kanilang kusina.
Nabatid na paralisado ang naturang biktima.
Ito na ang ikaapat na beses na naitala ang insidente ng pagpapakamatay kung saan unang na-report ay ang dalawang estudyante mula sa isang pribadong paaralan, at ikatatlo ay isang lalaki na nagpatiwakal dahil hindi nag-reply ang kaniyang kasintahan.