BAGUIO CITY – Posibleng hindi na umano matuloy ang inaabangang Session Road in Bloom na isa sa mga tampok na aktibidad ng Baguio Flower Festival o Panagbenga sa lungsod ng Baguio.
Ayon kay Mayor Maurico Domogan, nakahanda siyang ipahinto ang nasabing market encounter kung hindi mareresolba ang hindi pagkakaintindihan ng mga stakeholders.
Nag-ugat ang problema sa pagitan ng Baguio Flower Festival Foundation, Incorporated (BFFFI) na panguhaning organizer ng Panagbenga at ang Liga ng mga Barangay dahil sa hindi pagkakahati ng Session Road in Bloom na nakatakdang magsisimula sa March 3 hanggang 10.
Samantala, nalungkot naman ang buong BFFFI sa kinakaharap na problema ng kapistahan.
Sinabi ni BFFFI media committee co-chairman Andrew Pinero na maapektuhan ang mga aktibidad ng Panagbenga na nangangailangan ng malaking pondo kung magdedesisyon ang alkalde na kanselahin ang Session Road in Bloom.
Una nang ipinangako ng organizing committe na magbibigay na lamang sila ng kaukulang hati sa Liga ng mga Barangay katumbas ng hinihiling na pwesto sa nasabing trade fair.