-- Advertisements --
Hindi umano mauulit ang pagkasayang ng mga produktong pang-agrikultura kung may maayos na pagpalano ang gobyerno.
Ito ay kaugnay sa oversupply ng kamatis sa Nueva Viscaya kung saan itinapon na lamang ng mga magsasaka dahil sa oversupply at sobrang bagsak na presyo nito.
Ayon kay Leonardo Montemayor Chairperson, Federation of Free Farmers, nangyari na ito noon kung kayat may maliwanag ng solusyon ngayon.
Dagdag pa ni Montemayor na dapat mayroong sistema bago pa magtanim hanggang pagkatapos mag-ani ng mga magsasaka.
Hiniling rin ng grupo na dapat may sestimatic planning at logistic system ang sector ng agrikultura.