-- Advertisements --

Bumuslo ng season-high na 20 points si Seth Curry upang tambakan ng Portland Trail Blazers ang Chicago Bulls, 118-98.

Gumawa si Curry ng apat na 3-pointers, na dinagdagan naman ni rodney Hood ng 15 points, at may tig-13 naman sina Enes Kanter at Zach Collins upang ialay sa Portland.

Bagama’t inalat naman sa season-low na 11 points si Damian Lillard, nagawa pa rin ng Portland na magwagi sa ikalimang dikit na pagkakataon.

Samantala, nagtakda naman ng career-high na 21 points at 10 rebounds si Shaquille Harrison para sa Chicago.

Sa kabila nito, dahil sa puro reserves ang isinabak sa laro, sa ikawalong pagkakataon ay nabigo ang Bulls sa loob ng 10 laro.

Hindi kasi nakalaro ang ilan sa kanilang mga star players na sina forward Lauri Markkanen, leading scorer Zach LaVine, at Otto Porter dahil sa kani-kanilang mga iniindang injury.