-- Advertisements --

Todong ipinagmalaki ngayon ng China ang makasaysayang araw na ito nang marating na rin nila ang planetang Mars.

Ito ay matapos ang matagumpay na pag-landing ng kanilang tinaguriang Zhurong rover.

Iniulat ng kanilang state media ang nakamit na first-ever Martian mission sa pag-touchdown sa red planet ng kanilang lander.

Ang nakamit ng China ay matapos ang ginawa rin ng Amerika noong Pebrero nang mag-landing din sa Mars ang rover Perseverance ng US space agency na NASA.

China Rover lander Mars 1

Ang unang Mars rover ng China ay ipinangalan kay Zhurong na siyang god of fire sa ancient Chinese mythology.

Sinasabing ang spacecraft ay nakarating sa Mars orbit noong February makalipas ang halos pitong buwan na biyahe sa kalawakan.

Inabot din daw ito ng dalawang buwan sa pag-survey sa potential landing sites sa planetang mars.

Naging komplikado pa raw ang landing process na tinawag ng China na “seven minutes of terror” dahil sa napakahirap ng kumunikasyon mula sa Mars hanggang sa daigdig.

Noong nakaraang linggo lamang ay nabatikos ang China dahil sa walang kontrol na pagbalik sa earth ng kanilang Long March 5B rocket na bumagsak sa Indian Ocean.