-- Advertisements --

Nakatakdang magpa-enlist sa military si Seventeen member Jeonghan sa darating na Setyembre 26.

Ayon sa kaniyang agency na Pledis Entertainment kung saan siya ang unang miyembro ng grupo na magpapa-enlist sa military.

Magsisilbi siya bilang alternative social agent dahil sa inoperahan na ito sa kaniyang ankle noong nakaraang siyam na buwan.

Ang 29-anyos na si Jeonghan ay isa sa tatlong pinakamatandang miyembro ng grupo kasama sina S.Coups at Joshua.

Si S.Coups at exempted sa duty matapos na maoperahan sa tuhod habang si Joshua ay isang US citizen.