-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ng K-pop boy band na SEVENTEEN matapos ang tagumpay nila.

Napili kasi ang grupo bilang best group sa katatapos na MTV Video Music Awards nitong Huwebes.

Sa kanilang social media account sinabi ng 13-member group na nagpapasalamat sila sa lahat ng mga fans na sumuporta sa kanila.

Tinalo ng grupo ang ilang K-pop gaya ng NCT Dream, Tomorrow X Together at NewJeans.

Kasama rin na tinalo nila ang mga American groups na NSYNC, Imagine Dragons at TwentyONE Pilots at ang British group na Coldplay.