-- Advertisements --

Nakalabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm Igme nitong alas-7:00 ng Sabado ng gabi.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 585 kms hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kph at may pagbugsong 125 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-hilaga hilagang-silangan sa bilis na 20 kph.

Inaasahang tatahakin ng naturang sama ng panahon ang nasabing direksyon hanggang araw ng Linggo, bago kumilos pahilaga sa Lunes, at bahagyang pahilagang-kanluran sa Martes.

Sa pagtataya ng weather bureau, tutumbukin nito ang direksyon patungo sa Korean Peninsula.

Sa kabila nito, nagbabala ang Pagasa na paiigtingin nito ang hanging habagat na magdadala ng mahina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Region.

Posible ring makaranas ng malakas na hangin sa bahagi ng Batanes at Babuyan Islands bunsod ng pinaigting na Southwest Monsoon.