-- Advertisements --

ROXAS CITY – Pinagpipiyestahan sa social media ang kumakalat na sex scandal ng isang Sangguniang Kabataan chairwoman sa isang barangay sa lalawigan ng Capiz.

Ito’y matapos ipinagkalat ng kanyang ex-boyfriend ang naturang video sa social media.

Nabatid na hinati pa ang video sa pitong bahagi at ini-upload sa Facebook kung saan maraming netizens na ang nakakita.

Sinasabi na nagalit ang ex-boyfriend nito matapos na iningganyo ito ng biktima na mag-invest ng pera kung saan umaabot ito sa P71,000.

Ngunit hindi inaasahan na naloko sila ng naturang investment scam na pagmamay-ari pala noon ng isang Korean national na si Kim Taehyung.

Dahil dito, nagulat na lamang ang biktima matapos na maghiwalay sila ng ex-boyfriend nito at ipinagkalat ang naturang sex video.