Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nailipat na sa Quezon City Trial court mula Davao City ang mga kasong kinakaharap ni Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano na sa Quezon City na lilitisin ang mga kasong kinakaharap ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay ang mga kasong sexual at child abuse bukod pa sa asuntong qualified trafficking.
Sinabi ni Clavano na ang prosecutor na ng Quezon city ang hahawak sa kaso ng pastor na tinaguriang Son of God na nanatiling subject ng operasyon ng mga otoridad sa gitna ng arrest warrant na inisyu laban sa kaniya.
Dagdag pa ni Clavano na patuloy ang manhunt operation laban kay Pastor Quiboloy ng mga law enforcement agencies.
Inihayag din ni Clavano na batay sa kanilang impormasyon nananatili pa rin sa bansa ang puganteng Pastor.
Sa ngayon mayruon ng warrant of arrest si Quiboloy dahil sa kabiguang dumalo sa pagdinig sa Senado dahil sa pagkakadawit nito sa mga nabanggit na kaso.
Mayruon na ring hold departure order na inilabas ang Bureau of Immigration laban kay Pastor Quiboloy.