-- Advertisements --

Ibinunyag ng sexy actress na si Sabrina M na nagkaroon sila ng relasyon ng namayapang actor na si Rico Yan.

Sinabi ng actress na si Maricaren Pallasigue sa tunay na buhay na itinago nila ang relasyon dahil sa kaniya-kaniyang career sa showbiz.

Sa panahon iyon kasi ay sexy ang imahe ng actress habang wholesome naman ang showbiz image ng actor.

Dagdag pa ng actress na ayaw niyang may masabi ang mga tao kapag nalaman na mayroon itong relasyon sa namayapang actor.

Nagkakilala umano ang dalawa sa noontime show kung saan kapwa sila mainstay.

Nagkamabutihan sila ng loob dahil sa kakahiwalay lamang ng actor sa dating nobya na si Claudine Barretto.

Mabilis umano ito nabihag sa actor dahil sa angking kabaitan nito.