-- Advertisements --

LA UNION – Epektibo ngayon araw, March 01, 2021 ang bisa ng suspension order na ipinatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban kay San Fernando City, La Union Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay San Fernando City Interior and Local Government Officer Lily Ann Colisao, sinabi nito na bilang pagsunod sa Sandiganbayan ang nasabing suspensyon laban sa alkalde ay may kaugnayan sa isinampang criminal case sa Office of the Ombudsman.

90 araw na suspendido mula sa katungkulan ang mayor ng lungsod.

Sinasabing lumabag umano si Gualberto sa Sec. 3 (e) ng R.A. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa maling paggamit ng 20% Development Fund ng lungsod para sa upgrading o rehabilitation ng City Plaza.

Matatandaan na unang sinibak sa pwesto ang nasabing mayor ng Office of the Ombudsman noong January 2020 at hinatulang guilty ng Sandigan Bayan dahil reklamong inihain ng 47 punong barangay ng lungsod hinggil sa rehabilitasyon ng City Plaza na nagkakahalaga ng P66,473,503.90 o nagmula sa 20 percent Development Fund ng 2018 na sinasabing hindi akma sa konteksto ng naturang proyekto.

Ngunit nanalo ang apela ng alkalde sa Court of Appeals noong September 2020 hinggil sa naging desisyon ng Ombudsman na sinasabing na-dismiss ito sa kanyang pwesto bilang punong tagapamahala ng lungsod.