ROXAS CITY – Apat na sachet ng shabu ang na-rekober sa isinagawang Oplan Galugad sa Capiz Rehabilitation Center (CRC).
Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay Arjuna Yngcong, jailwarden ng CRC, sinabi nito na isang Person Deprived of Liberty (PDL) ang nagturn over sa kanya ng isang sachet ng shabu na nakita nito sa CR ng kanyang selda.
Kaagad na nakipag-ugnayan si Yngcong sa Roxas City PNP na nagsagawa ng Oplan Galugad sa nasabing facilidad.
Narekober ng pinagsanib na pwersa ng jailguards ng CRC at mga kasapi ng Roxas City PNP sa Selda 3, ang isang selyadong sachet na may shabu at dalawang sachet na may ‘ shabu residue’, tooters, lighters at aluminum foil.
Nasa kostodiya ngayon ng Capiz Provincial Foreign Unit ang narekober na droga para sa kumpirmasyon.
Samantala nagpapatuloy ang imbestigasyon para malaman kung sino ang nasa likod ng pagpasok ng iligal na droga sa Capiz Rehabilitation Center.